MISTERYO

 Simula't sapul mundo koy madilim

Nakatago sa kweba na makulimlim

Mag-isang niyayakap ang hita't mga bisig

Mula sa mga mata'y may umaagos na tubig.


Sa aking paghikbi't pag-iisa,

May narinig na isang boses na tila parang mala prinsesa

Akoy nanginig....

Pinakawalan ang mga bisig.


Pagdilat ng mga mata'y may natagpuang anino,

Di malaman- laman kung saan galing at sino,

Papalapit ng papalapit

Papalapit

Papalapit pa

Malapit na! 

Nagdadalawang isip kung anong dapat gawin,

Sisigaw ba, lalapit o hahayaang sarili'y gahasain,

Nalilitong damdamin


Isa, dalawa, tatlo

Hanggang sa umabot ng sampu

Ang anino kanina, ngayoy nasa paanan 

Itinaas ang ulo,

At doon ko napagtanto,

Ang halong kaba at lito 

Ay  babaeng napupusuan ko.


oo! ang babae napusuan ko 

siya ang nag kulay sa aking mundo

minahal ko siya nang tudo

walang labis at kulang 

binagay ko ang lahat

kahit sa akin wala nang matira 

makita ko lang siya masaya 

okay na ako


oo okay na ako, sa sitwasyon namin 

na ako lang yong nagmamahal 

yong tipong ikaw lang yong nakakaalam

na may relasyon kayo 

pero yong tutuo, hanggang friend lang pala ang turing niya sa iyo.


napaka sakit man tanggapin

na yong minamahal mo hindi ka kayang sukliin

pero ganyan talaga pag ikaw ay nag mahal 

gagawin mo ang lahat kahit alam mo wala wala nang pag asa 

na magiging jowa mo pa siya. 

mahirap man tanggapin 

pero kaylangan tanggapin na ikaw at ako 

ay hindi pwde mag sama dito sa mundo. 


Comments

Post a Comment

Popular Posts